Pinagtitipid ng Baguio Water District (BWD) sa tubig ang mga residente ng Baguio City dahil sa nakaambang kakulangan ng suplay ngayong summer season.
Ayon kay BWD General Manager Engineer Salvador Royeca, ang panandaliang kakulangan sa suplay ng tubig ay bunsod ng kakulangan sa ulan na naranasan ng lungsod noong 2017.
Anya, umaasa lamang ang Baguio City sa groundwater bilang pangunahing pinagkukunan ng tubig.
Noong nakaraang taon ay naitala lamang ang daily supply capability na 41,227 cubic meters gayong ang demand para sa tubig ng lungsod ay umabot sa 41,338 cubic meters.
Samantala, iginiit din ni Royeca na ang mainit na panahon ay nakadadagdag sa kakulangan ng suplay ng tubig sa siyudad.
Dahil anya sa urbanisasyon ng lungsod ay nadadagdagan ang gumagamit ng tubig sa Baguio City.
Samantala, naghahanap naman na umano ang BWD ng iba pang underground source para sa tubig.