Paglilitis sa Australian cardinal dahil sa kasong sexual abuse magsisimula na

AP Photo

Magsisimula na ngayong araw ng Miyerkules, May 2, ang paglilitis para sa kasong sexual abuse na nakasampa laban kay Australian Cardinal George Pell.

Matatandaang kinakaharap ngayon ni Pell ang multiple sexual charges simula noong nanungkulan siya bilang pari sa Ballarat, Australia noong 1970s hanggang 1990s kung kailan naman siya nagsilbi bilang arsobispo ng Melbourne.

Ibinasura ni Magistrate Belinda Wallington ang nasa kalahati ng mga kasong nakasampa laban kay Pell, ngunit nagdesisyon ito na malakas ang kaso ng prosekusyon para sa nalalabing mga kaso.

Hindi naman isinapubliko ang eksaktong bilang ng mga kasong nakasampa laban sa nasabing kardinal.

Samantala, ‘not guilty’ ang plead ni Pell para sa mga nasabing kaso.

Read more...