Zark’s Burger-Lyceum inuwi ang 2018 PBA D-League Aspirants Cup title

Nahabol ng Zark’s Burger-Lyceum ang Che’Lu Bar and Grill-San Sebastian sa kanilang ikatlong paghaharap, dahilan upang maiuwi ng Jawbreakers ang kampeonato para sa 2018 PBA D-League Aspirants Cup.

Natapos ang laro sa iskor na 92-82, pabor sa Jawbreakers.

Ito ay matapos nilang mangulelat sa Revellers sa third quarter ng 14 na puntos.

Lumikha rin ng kasaysayan sa PBA D-League ang Zark’s Burger-Lyceum dahil sila ang lowest-ranked team na nakapaguwi ng championship title.

Pinangunahan ni Mike Nzeusseu ang koponan matapos nitong magtala ng 28 puntos. Sinundan naman siya ng conference MVP na si CJ Perez sa pamamagitan ng kanyang 26 points.

Samantala, para naman sa Revellers, si Michael Calisaan ang nanguna sa kanyang 17 points.

Read more...