*NSYNC pinarangalan sa Hollywood Walk of Fame

Justin Timberlake Instagram

Dinumog ng libu-libong mga fans ang Hollywood Walk of Fame.

Ito ay dahil pinarangalan ang 90’s boy band na *NSYNC ng kanilang sariling star sa Walk of Fame.

Mistulang nagkaroon ng mini-reunion ang grupo na binubuo nina Justin Timberlake, Lance Bass, JC Chasez, Joey Fatone, at Chris Kirkpatrick.

Malugod na nagpasalamat si Justin sa lahat ng mga tagahangang tumunghay sa naturang awarding ceremony.

Sa kabuuan, 70 million records na nabenta ng *NSYNC at mangilang beses rin silang nasali sa Top Charts.

Ilan sa mga sikat na kanta ng boy band ang “Bye Bye Bye,” “Tearin’ Up My Heart,” at “It’s Gonna Be Me.”

2002 nang mag-hiatus ang grupo ngunit simula noon ay minsan pa lamang silang nagsama-sama, at ito ay noong 2013 kung kailan nakatanggap ng award si Justin para sa MTV Video Music Awards.

Read more...