Malacañan pinakakalampag ang Kongreso para bumalangkas ng bagong batas kontra endo

Humihirit si Special Assistant to the President (SAP) Secretary Bong Go sa publiko na suportahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa panawagan nito sa Kongreso na bumalangkas ng bagong batas upang wakasan na ang endo.

Ayon kay Go, isa nang matatag na hakbang ang ginawang pag-iisyu ng pangulo ng isang executive order kontra endo at kontraktwalisasyon na naglalayong protektahan ang karapatan ng mga manggagawa.

Ganunpaman, hindi aniya dito natatapos ang pakikibaka para sa mga manggagawa gayung matutuldukan lamang ang hindi makatwirang labor practice sa pamamagitan ng pag-aamyenda sa Labor Code.

Binigyang diin ng SAP chief na kaisa siya ng Chief Executive hindi lamang sa ginawang paglagda nito ng Executive Order No. 51 kundi pati hanggang sa pagnanais nitong mabago ang batas tungkol sa paggawa.

Sa ganitong paraan ayon kay Go ay matitiyak ang security of tenure para sa mga manggagawa at masigurong hindi masasakripisyo ang karapatan ng mga ito sa larangan ng paggawa.

Read more...