Nadiskubre ang isang tubong naglalabas ng mabahong likido at puting bula sa white beach sa isla ng Boracay.
Hinukay ng Public Works and Highways ang buhangin sa lugar at natagpuan ang isang blue pipe na 6-inch ang diameter.
Tinabunan ito ng sandbags para matakpan ang tagas.
Ayon kay Richard Favila, officer in charge ng Department of Enivornment and Natural Resources sa Boracay, malaki ang posibilidad na waste water ang dumadaloy sa tubo dahil hindi magiging masyadong mabaho kung treated water ito.
Ayon kay Interior and Local Government Assistant Secretary Epimaco Densing III, inulat ng isang residente ng Boracay sa pamamagitan ng hotline ang tatlong tubong nakatago na naglalabas ng likido sa White Beach
Inaalam pa ng mga otoridad ang pinagmumulan ng likido.
Nauna nang sinabi ng DPWH na maraming mga establishemento sa Boracay ang direktang nagtatapon ng kanilang water waste sa dagat.