Ihahain ng Makabayan bloc sa Kamara ang pagpapawalang-bisa sa TRAIN Law ngayong Mayo.
Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, ilang buwan pa lamang simula nang ipatupad ang TRAIN Law ay lumatay na ito sa mga manggagawa.
Marami anya na mga manggagawa ng isang soft drinks company ang tinanggal sa trabaho, tumaas ang presyo ng petrolyo, mga bilihin at maging ang presyo ng bigas ay nagmahal.
Mula anya nang maipatupad ang TRAIN Law ngayong taon ay kada buwan na lamang ang pagtaas ng inflation rate.
Balewala din anya ang tax exemption para sa mga sumasahod ng P250,000 kada taon dahil sa mahal na mga bilihin at serbisyo.
Hindi na anya kailangan pang hintayin na magdulot nang mas Malala pang epekto ang nasabing batas bago umaksyon ang Kongreso.
Paliwanag pa ni Zarate, hindi amyenda o review ang kailangang gawin sa TRAIN kundi ang tuluyang pagpapawalang bisa rito.