Sen. Aquino: Bagong tax reform package mas lalong pahirap sa mamamayan

Radyo Inquirer

Nangangamba si Senator Bam Aquino na marami sa ating mga kababayan ang mawawalan ng trabaho kapag umarangkada na ang TRAIN Law 2.

Sinabi ni Aquino na sa ikalawang tax reform package ng gobyerno ay aalisin ang tax incentives ng ilang kumpanya kaya’t maaring magsara ang mga negosyo at magreresulta ito ng pagkawala ng trabaho.

Dagdag pa ng senador, posible rin na ibasura na lang ng mga negosyante ang kanilang balak na magtayo ng mga negosyo sa mga economic zones kapag ipinatupad na ang ikalawang bugso ng TRAIN Law.

Giit nito, makakabuti kung pag-aaralan muna ng gobyerno ang epekto nito bago ito ipatupad.

Aniya sa pagpapatupad ng TRAIN Law ay tumaas na ng husto ang halaga ng mga pangunahing bilihin at serbisyo kaya’t aniya sa isang survey ng Pulse Asia, 98 porsiyento ang nagsabi na ramdam nila ang epekto ng batas.

Read more...