Hinikayat ni House Committee on Women and Gender Equality Chair Bernadette Herrera-Dy si Pangulong Rodrigo Duterte na ipag-utos na rin ang deployment ban ng mga OFW sa Saudi Arabia.
Ayon kay Herrera-Dy, kung susundin ng pangulo ang kanyang prerogative tulad ng ginawa sa Kuwait ay maaaring ipatupad muna ang OFW deployment ban sa Saudi Arabia.
Kasunod aniya ito ng pagkamatay ng OFW sa Madinah, Saudi Arabia dahil sa tinamong mga injuries sa ulo matapos na mahulog sa 6th floor ng apartment ng kanyang amo.
Bukod dito, marami din aniyang naitalang kaso ng mga pang-aabuso ng OFW sa Saudi Arabia.
Kaugnay nito nais ng mambabatas na magkaroon ng congressional inquiry in aid of legislation upang talakayin ang kapakanan ng mga OFW kasama ang mga government agencies na responsable dito, mga recruitment agencies at migrant workers welfare groups.
Hiniling din ni Herrera-Dy sa kanyang mga kapawa mambabatas ang pag-apruba sa paglikha ng OFW Department ngayong taon upang may iisang ahensya na lamang ang tututok sa karapatan, pangangailangan at mga problemang kinakaharap ng mga Filipino domestic workers.