Magkakapatid na pulis na nag-viral dahil sa pakikipag-away sa isang motorista, sinibak na sa pwesto ng PNP

Sinibak sa pwesto ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde ang tatlong pulis na nahuli sa isang viral video na nakasugatan ang isang motorista.

Nakilala ang magkakapatid na pulis na sina PO3 Ralph Soriano, PO1 Rendel Soriano at PO1 Reniel Soriano.

Ayon kay Albayalde, nahaharap ang tatlong pulis sa kasong administratibo dahil sa grave threat at intimidation.

Sinabi ng PNP chief na aalamin sa isinasagawang imbestigasyon kung may kriminal na pananagutan ang tatlo.

Mula Northern Police District Caloocan police, inilipat sina Ralph, Rendel at Reniel sa Holding and Accounting Unit sa Camp Crame.

Mapapanood sa viral video ang pakikipagsagutan ng tatlong pulis sa isang lalaki na nakagitgitan ang kanilang motosiklo sa Caloocan City.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...