Nag-amok na pulis patay sa mga rumespondeng kabaro sa Davao City

Police banner

Nag-amok ang isang pulis na may ranggong police officer 1 sa Davao City.

Ayon sa paunang imbestigasyon, nambugbog ang suspek ng isang tricycle driver.

Isinumbong ng mga residente sa pulisya ang pag-aamok ng baguhang pulis.

Rumesponde naman ang pulisya pero pagdating sa lugar, pinaputukan ng suspek ang mobile, kaya gumanti ng putok ang mga pulis.

Isinugod pa sa ospital ang suspek pero patay na nang dumating ito doon.

Ayon kay Chief Inspector Milgrace Driz, tagapagsalita ng Davao region police, service firearm ang ginamit ng pulis.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...