Ipinahayag ni Cayetano na tiwala siya na malalampasan ng dalawang bansang matatag ang ugnayan ang pagsubok na ito.
Sinabi rin ng kalihim na kinikilala ng Pilipinas ang pagtitiyak ng Kuwait sa proteksyon ng OFWs.
Aniya, dalawang bansa sa layuning intindihin at igalang ang isa’t isa.
Una nang ipinahayag ni Kuwaiti Deputy Foreign Minister Nasser al-Subaih na hindi nanaisin ng Kuwait na lumala pa ang gusot nito sa Pilipinas.
Sinabi ni Subaih na nais ng Gulf state na patuloy na direktang makipag-usap sa bansa para tugunan ang usapin.
Matatandaang pinabalik sa Kuwait ang ambassador nito sa PIlipinas, at pinalayas Philippine Ambassador to Kuwait Renato Villa.