Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) Job and Business Fair sa Cebu pangungunahan ni Pangulong Duterte

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdiriwang ng Labor Day ngayong araw (May 1) sa Mabolo Cebu City.

Highlight sa event ang Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) Job and Business Fair na magbibigay ng trabaho at livelihood opportunities sa publiko

Ayon kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, maliban sa job fair, isasagawa din sa event ang awarding ng livelihood projects na isa sa mga special program para sa employment ng mga estudyante at government internship program.

Target aniya ng administrasyon na mabigyan ng trabaho ang milyun-milyong Filipino na walang hanapbuhay.

Kasabay nito ibinida ni Go na na malaki na ang nabawas sa bilang ng mga unemployed Filipino dahil sa patuloy na pagsisikap ng Duterte administration na makahikayat ng mag investors sa bansa.

base sa record ng Philippine Statistics Authority, nito lamang January 2018, tumaas ang employment rate sa 94.7% kumpara sa 93.4% noong nakaraang taon.

Bukod kay Go kasama ng pangulo ang ilang cabinet secretaries na kinabibilangan nina Labor Secretary Silvestre Bello III, Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, Executive Secretary Salvador Medialdea, iba pang opisyal sa Cebu.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...