Umarangkada na ang Kilos Protesta ng grupo ng mga manggagawa ngayong araw na paggunita ng Labor Day.
Pasado alas 5:00 pa laman ng umaga ay nagtipun-tipon na sa elliptical road sa National Housing Authority (NHA) ang grupong Kadamay.
Giit ng grupo sa pamahalaan tuldukan na ang kontraktwalisasyon sa bansa.
Ayon kay Michael Beltran, national chairperson ng Kadamay, tila nawalan na sila ng pag-asa na lalagdaan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order na magwawakas sa “endo” o end of contract.
Pasado alas 6:00 ng umaga nagmartsa na ang grupo patungong Welcome Rotonda kung saan sila hahalo sa iba pang labor groups para sa sabayang pagmamartsa papunta ng Mendiola.
Bitbit din nila ang malaking effigy ni Pangulong Duterte na kanilang susunugin bilang highlights ng kanilang programa.
WATCH: Workers, including members of Kadamay march along Elliptical road in QC for the Labor Day rally. pic.twitter.com/opqLGEYxSK
— Path Roxas (@PathRoxasINQ) April 30, 2018
WATCH: Workers, including members of Kadamay march along Elliptical road in QC for the Labor Day rally. pic.twitter.com/opqLGEYxSK
— Path Roxas (@PathRoxasINQ) April 30, 2018