NBA, naglunsad ng mental wellness program

Naglunsad ang NBA kasama ang unyon ng mga manlalaro ng mental wellness program.

Layon nito na matulungan ang mga atleta na mag-open up sa kanilang mga problema kaugnay ng mental health.

Katulong sa pagsisimula ng programa ay sina Toronto Raptors DeMar DeRozan at Cleveland Cavaliers Kevin Love na siyang magsisimula ngayong linggo.

Kasama dito ang pagkakaroon ng website at mga public service ads na siyang nagpo-promote sa mental wellness ng mga atleta.

Ayon kay DeRozan, dahil aniya sa pressure, madalas ay nakakaligtaan o hindi napapansin ang mental-health.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...