May mga isasagawang kilos prtesta ngayong araw ang iba’t ibang grupo ng mga manggagawa sa bansa.
Ang grupong Workers for People’s Liberation o WPL-MAKABAYAN, may nakakasang programa sa Recto sa Maynila. Sa nasabing lugar magtitipun-tipon ang kanilang mga miyembro at iba pang labor groups mula sa Workers Against Contractualization at saka sabayang magmamartsa patungong Mendiola.
Maliban sa Maynila, may nakakasa rin silang kilos protesta sa Cebu, Davao, Bataan at Baguio City.
Mayroon ding programa sa Angeles, Pampanga na sesentro sa mga manggagawa na biktima ng contractualization sa economic zones sa Central Luzon.
Ayon sa grupo, sa Subic nasa 128,000 ang mga manggagawang contractuals noong 2017, 40,000 sa Bataan at 107,000 sa Clark Pampanga.
Samantala, ang Kilusang Mayo Uno, maliban sa kanilang pagkilos sa Metro Manila, may mga programa ding isasagawa sa ibang lugar sa bansa.
Kabilang dito ang Baguio City, Pampanga, Calamba, Cebu City, Bacolod City, Tacloban City, CDO, Davao City, Butuan City at General Santos City.