Mainit na panahon mararanasan ngayong maghapon; Ilang rehiyon sa Mindanao maaring makaranas ng pag-ulan – PAGASA

Makararanas ng pag-ulan ngayong araw ang ilang rehiyon sa Mindanao dahil sa easterlies.

Ayon weather forecast ng PAGASA, makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang mga rehiyon ng Caraga at Davao.

Babala ng PAGASA, maring magdulot ng flashfloods o landslides ang mararanasang mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa nabanggit na mga rehiyon.

Samantala sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa, maari lamang makaranas ng isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

Magiging mainit din ang panahon sa maghapon kaya pinayuhan ng PAGASA ang mga lalahok sa mga kilos protesta ngayong araw na magdala ng panangga sa init at palagiang uminom ng tubig.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...