Kakandidatong kagawad ng barangay, patay makaraang pagbabarilin sa Pasay City

FB Photo

Patay makaraang pagbabarilin ang isang tatakbong barangay kagawad sa Pasay City.

Nasawi ang 36-anyos na si Anthony Echavez na naghain ng kaniyang certificate of candidacy sa pagka-kagawad sa Brgy. 4, Zone 1 ng lungsod.

Binaril si Echavez ng hindi nakilalang mga suspek na sakay ng motorsiklo malapit sa kaniyang bahay sa Cuyegkeng Street bandang alas-10:48 Lunes ng gabi.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, naglalaro ng darts sa kalsada sina Echavez at ilang kamag-anak at kaibigan nang dumating ang isang motorsiklo at saka pinaputukan ang biktima.

Naisugod pa si Echavez sa Ospital ng Maynila pero binawian din ng buhay.

Isang residente naman sa lugar na nakilalang si Orlando Buenaventura, 54 taong gulang ang tinamaan ng ligaw na bala sa kaniyang kamay at ngayong ay ginagamot sa ospital.

Nakuha ng mga otoridad sa crime scene ang anim na basyo ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...