Riding in tandem, patay matapos makaengkwentro ang mga pulis sa Rizal

riding in tandem patay sa cainta, rizal

Dead on the spot ang dalawang lalaki matapos manlaban sa mga pulis sa Cainta, Rizal.

Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang dalawang lalaki.

Ayon kay CALABARZON Regional Police chief, Chief Superintendent Guillermo Eleazar, narinig ng mga pulis na nakadestino sa checkpoint na nakatayo sa Ortigas Avenue Extension Junction, Barangay Sto. Domingo ang magkakasunod na putok ng baril.

Kaya naman agad nilang pinuntahan ang pinangyarihan ng insidente, kung saan nila nakita ang nakahandusay na katawan ng isang lalaki, habang papatakas naman ang dalawang lalaking salarin, sakay ng isang motorsiklo.

Nang makita ng mga suspek ang mga pulis ay nagpaputok ang mga ito, dahilan upang gumanti rin ng putok ang mga otoridad. Nagresulta ito sa agarang pagkamatay ng mga suspek.

Isinugod pa sa Tacano Hspital ang biktimang kinilalang si George Domantay, ngunit habang nilalapatan ng lunas ay namatay rin ito.

Narekober mula sa pinagyarihan ng insidente ang isang kalibre 45 at 9mm na baril na kapwa pag-aari ng mga salarin.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa insidente.

Hawak na ng mga otoridad ang isa pang lalaki na hinihinalang kasabwat ng dalawang napatay na suspek at isasailalim sa imbestigasyon.

Read more...