Ayon kay EPD chief, Police Chief Superintendent Reynaldo Biay, handa na ang kanyang mga pulis na ipakakalat sa mga daraanan ng mga rally kabilang ang EDSA Shrine.
Kabilang sa kanilang paghahanda ang muling pagtatayo ng public assistance desks sa mga piling lugar.
Magsasagawa rin si Biay ng surprise inspection sa mga PADs upang matiyak na nagtatrabaho ang mga pulis na nakadestino doon.
Bukod pa ito sa kanilang pagsasagawa ng mga operasyon kagaya ng law enforcement, border patrol, at target hardening measures na partikular na tutuok sa mga isasagawang kilos protesta.
Kasabay ng kanilang paghahanda ay hinimok ni Biay ang publiko na agad ipagbigay-alam sa mga otoridad ang mga makikitang kahinahinalang kilos o gamit sa mga pagdarausan ng rally.
Ang paghahanda ng EPD ay kasabay naman ng kanilang preparasyon para sa 51st Asian Development Annual Governors Meeting na magaganap mula May 2 hanggang 6.