Narco list hindi dahilan pagbasura sa kandidatura ng ilang Brgy. officials ayon sa Comelec

Nilinaw ng Comelec na walang mababasura na certificate of candidacy (COC) dahil sa drug watchlist na inilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na ang sinasabing narco list ay maaring magsilbing gabay ng mga botante para sa mga iboboto nila sa papalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Paglilinaw pa ni Jimenez sa mga kandidato na walang epekto sa kanilang kandidatura kung sila man ay kasama sa listahan ng PDEA.

Aniya, hindi mababasura ang kanilang kandidatura para sa eleksyon sa Mayo 14 kung sila ay kasama sa listahan.

Una nang sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na bibigyan niya ng kopya ng kanilang narco list ang Comelec.

Read more...