Hugas-kamay si Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo sa inilagay na P60 Million na halaga ng advertisements sa show ng kanyang dalawang kapatid sa PTV 4.
Iginiit ni Teo na wala siyang nakikitang conflict of interest sa paglalagay ng kanyang opisina ng advertisements sa government-owned television station.
Sinabi pa nito na ang kinukuwestiyon ng Commission on Audit na kasunduan ay sa pagitan ng DOT at television network.
Dagdag pa nito, ang istasyon ng telebisyon na ang bahala kung saan mga programa ilalabas ang kanilang advertisements o commercials.
Unang ibinunyag ng COA na naglabas ang Philippine Television Network Inc., ng P60 Million tseke sa Bitag Media Unlimited Inc, na pag aari ni Ben Tulfo, kapatid ni Teo.
Si Tulfo at isa pa nilang kapatid na si Erwin Tulfo ay may programa sa network kung saan inilagay ng kagawaran ang kanilang advertisements.