Naibalik na sa Pilipinas ang suspek na si Nelson Bermejo Antonio mula sa kaniyang limang taon na pagtatago sa United Arab Emirates.
Sa isang press conference sa Camp Crame, iniharap sa mga miyembro ng media ng PNP-CIDG si Bermejo na pumatay sa kaniyang ama na si Antonio P. Antonio noong September, 2013.
Ayon kay Police Director Roel Obusan ng CIDG, Febreuary 16 pa ito naaresto sa UAE ngunit sa tagal ng deportation proceedings ay nitong linggo lamang sya naiuwi.
Paliwanag ni Obusan, nagalit umano ang suspek na si Nelson sa kaniyang ama na si Antonio matapos siyang tanggalan ng mana kaya niya ito pingbabaril.
Lumalabas naman sa imbestigasyon na lulong sa sugal ang suspek kaya nagalit sa kaniya ang kaniyang ama kaya tinanggalan ng mana.
Kasong parricide sa Parañaque Regional Trial Court ang kakaharapin ng suspek.
Nauna dito ay nagsabi ang mga kaanak ng biktima na magbibigay sila ng P300,000 na pabuya sa sinumang makakapagturo sa kinaroroonan ng suspek.