Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, nasa botante na ang huling pagpapasya kung iboboto pa rin ang mga kandidato na sangkot sa ilegal na droga.
Naniniwala si Roque na wala namang nilalabag na batas ang PDEA sa paglalabas ng listahan.
Base sa talaan ng PDEA, aabot sa dalawang daan at pitong barangay officials ang sinasabing protektor ng iligal na droga sa kani-kanilang mga nasasakupang lugar.
Mas makakabuti rin ayon sa opisyal na mabigyan ng pagkakataon na maglingkod sa mga barangay ang mga kandidatong walang kinasasangkutan na iligal na gawain.