Ayon kay Presdential Spokesman Harry Roque nakarating na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang balita at siya mismo ang nag-utos na imbestigahan na ang naturang isyu.
Nais aniyang malaman ng pangulo ang puno’t dulo ng isyu.
Matatandaang makailang beses nang sinabi ng pangulo na hindi niya kukunsintihin ang anumang uri ng korupsyon kahit na bulung-bulungan lang.
Sa panig ni Teo, sinabi nito na walang conflict of interest ang paglalaan ng advertiement budget ng DOT sa Tulfo brothers.