100 traffic violators huli sa isang araw lang na operasyon ng I-ACT; 2 pulis kabilang sa lumabag

Aabot sa 100 traffic violators kabilang ang dalawang pulis ang nahuli sa isang araw lang na operasyon ng Inter-agency Council for Traffic (IACT) at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon sa I-ACT ito na ang pinakamataas na bilang ng mga nahuli nila sa isang araw na operasyon na kanilang isinagawa sa Parañaque at Pasay City.

Kabilang sa mga nahuling violators ay 57 smoke-belching na sasakyan.

Samantala, sa nasabi ring operasyon, inimpound ng LTFRB ang walong colorum vehicles kabilang ang pag-aari ng dalawang pulis.

Hindi naman tinukoy ng LTFRB ang pagkakakilanlan ng dalawang pulis pero ayon kay DOTr Undersecretary Tim Orbos ang isa ay may ranggong Chief Inspector habang ang isa pa ay Senior Police Officer 4.

Pawang heavily tinted pa umano na Toyota Grandia ang gamit na sasakyan ng dalawang pulis na ipinapasada bilang pampasahero.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...