Dayuhang resort owner sa Boracay inaresto ng BI

Inquirer Visayas Photo | Nestor Burgos

Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang American national dahil sa ilegal na operasyon ng beach resort nito sa Boracay island.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente ang 52-anyos na dayuhan na si Randall Lee Parker ay nadakip sa isang araw bago ang pagsasara ng isla.

Dinakip ng intelligence office ng BI si Parker sa loob ng “The Artienda Resort” na ilegal na nag-ooperate sa Station Two ng isla.

Wala umanong work permit o working visa si Parker para mag-operate ng resort sa Pilipinas.

Sasailalim sa deportation proceedings ang dayuhan dahil sa ilegal na pagtatrabaho sa bansa.

Dumating ng bansa si Parker bilang isang turista noong April 16, 2016 base sa rekord ng ahensya.

Bago ito, labas-masok na sa bansa ang dayuhan mula noong 2005.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...