Ayon sa pangulo, hindi na kailangan na magpatumpik-tumpik pa ang pamahalaan at wala nang dapat na sayangin pang panahon ang dalawang kalihim upang agad na simulan ang mobilization o pagbuo ng kanilang mga tauhang mangangasiwa sa pagpapauwi.
Una rito, umasim ang relasyon ng dalawang bansa matapos magsagawa ng rescue operation ang nga tauhan ng embahada ng Pilipinas sa Kuwait sa mga distressed OFW.
Hindi ito nagustuhan ng Kuwait dahilan para palayasin ang ambassador ng Pilipinas sa Kuwait at pauuwiin ang kanilang ambasasor na nasa Pilipinas.
Para sa pangulo, isang kalamidad ang kinakaharap ng mga OFW na naiipit sa Kuwait at handa aniya niyang gamitin ang lahat ng resources mapauwi lamang ang mga ito.
Katunayan sinabi ng pangulo na maaring gamitin ang emergency fund.
Una nang inihayag ng pangulo na posibleng mapagkunan ng budget na gagamitin sa pagpapauwi sa mga Pinoy workers sa Kuwait ay ang ibinigay na ayuda ng China kamakailan lamang na aabot sa P5 bilyong piso.
“Maybe I told Bello and Secretary Cayetano to start the mobilization immediately. Nandiyan ‘yung pera. O kung wala pa ‘yun napasok sa National Treasury, I can always use emergency fund. To me, it’s a calamity. It is a calamity. Ang problema, kung sila ang may kaso hindi sila makalabas. But if I can use the money to pay of whatever utang nila, ubusin ko ‘yang pera na ‘yan para sa tao,” ayon sa pangulo.