Avengers: Infinity War nagtalaga ng global record matapos kumita ng $630M sa unang linggo ng showing

Nagtala ng record sa highest global opening of all time ang pelikulang Avengers: Infinity War makaraang kumita ng
$630 million.

Ayon sa datos ng industry tracker na Exhibitor Relations, ang nasabing halaga ang pinakamalaking global weekend tally sa kasaysayan.

Hindi pa kasama sa nasabing datos ang halaga na kinita ng pelikula sa China dahil mas late ang opening ng pelikula doon.

Tinalo na ng Avengers ang “The Fate of the Furious,” na kumita ng $530 million sa buong mundo sa opening nito noong 2017.

Winasak din ng Infinity War ang record sa North America at nakapagtala ng pinakamataas na kinita na $250 million.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...