Ayon kay Cathy Estavillo, spokesperson ng Bantay Bigas, ‘band aid solution’ lang ang plano ng pangulo at hindi nito tunay na matutugunan ang kakapusan ng suplay ng bigas.
Dapat daw kasi ay pagpapalas sa local rice production ang pagtuunan ng pansin para maiwasan na ang rice shortage sa hinaharap.
Giit pa ni Estavillo, maaaring magresulta sa pagkalugi ng mga magsasaka sa bansa ang pag tanggal sa rice quota imports at posible rin umano na tuluyan na tayong maging rice dependents sa ibang bansa.
Sa kanyang arrival speech sa Davao City, inatasan ng Pangulo si NFA Administrator Jason Aquino na mag-oversupply ng bigas.
Naniniwala kasi sya na pinagmumulan lamang ng korapsyon ang pagkakaroon ng quota sa rice imports.
Dagdag pa ng Pangulo, naniniwala syang wala aniyang problema kung sosobra ang supply ng bigas dahil magmumura naman ang presyo nito.