PNR magbibigay ng libreng sakay sa mga manggagawa bukas, Labor Day

May libreng sakay din ang Philippine National Railways sa mga manggagawa bukas sa paggunita ng Labor Day.

Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr) at ng PNR, para sa mga patungong Alabang, libre ang sakay ng mga manggagawa sa pagitan ng alas 6:07 ng umaga at alas 7:37 ng umaga.

Para naman sa mga patungo ng Tutuban, libre ang sakay sa pagitan ng alas 5:46 ng umaga at alas 7:30 ng umaga.

Sa hapon naman, ang biyaheng patungo ng Alabang ay libre ang sakay ng mga manggagawa sa pagitan ng alas 4:07 ng hapon hanggang alas 5:37 ng hapon.

At sa mga patungo ng Tutuban ay alas 4:00 ng hapon hanggang alas 5:30 ng hapon.

Kailangan lamang ipakita ang company ID para maka-avail ng libreng sakay.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...