P2.5M halaga ng shabu, nasamsam sa Bacoor Cavite

Aabot sa P2.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor, Cavite, Linggo ng umaga.

Kasabay nito, naaresto ng mga otoridad ang isang Nigerian national at ilang kasamahang Pilipino.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), namataan ang inilagay na 500 gramo ng shabu sa side mirror ng sasakyan.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng PDEA sa mga nasamsam na droga.

Read more...