Timbog ang isang “abortionist” sa Rodriguez, Rizal.
Ayon kay CALABARZON police CSupt. Guillermo Eleazar, nagsagawa ng search operations ang pulisya sa bahay mismo ng suspek na si Randy Picardal alyas “Tata” sa Sitio Hamuyan, Barangay San Jose bandang 6:00, Linggo ng umaga.
Inisyu ang warrant ni judge Lily Villareal Biton ng San Mateo Regional Trial Court.
Sa isang mensahe, sinabi ni Eleazar na narekober ang isang sako ng madugo at gamit na diaper, at isang bote na naglalaman ng pitong buwang fetus.
Dagdag pa nito, ayon sa mga kapitbahay ng suspek, maraming babaeng pumapasok sa bahay ni Picardal kung saan karamihan ay mga estudyante.
Anila pa, kilalang faith healer ang naturang suspek.
Samantala, narekober din ng pulisya ang kalibre .38 na baril at isang improvised gun.