Ayon sa Punong Ehekutibo, nagbago na ang imahe ni Kim bilang masamang tao matapos makipag-ayos sa South Korea at tapusin ang kaguluhan sa Korean Peninsula.
Ihihinto na rin ng North Korea ang pagpapakawala ng nuclear weapons.
Dagdag pa nito, nais niyang makapulong si Kim balang-araw.
Tinawag din ng pangulo si Kim bilang man of the hour.
Noong 2017, matatandaang sinabihan ni Duterte ang North Korean leader na isang “maniac” na sumira sa Asya.
MOST READ
LATEST STORIES