Barangay captain patay sa pamamaril sa Roxas City

Dead on arrival sa ospital ang barangay captain ng Lawaan sa Roxas City matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga riding-in-tandem.

Tama ng bala sa ulo, likod, at iba pang bahagi ng katawan ang nagresulta sa pagkamatay ni Elvis Asis, 51 taong gulang.

Ayon kay PO3 Ronnie Recto ng Roxas City Police, isa sa kanilang tinitingnang anggulo sa pamamaril ang away sa pulitika. Ani Recto, kakandidato kasi para sa paparating na barangay elections si Asis.

Isa pang posibleng dahilan ng pamamaslang ang pagiging sangkot ni Asis sa operasyon ng small-town lottery sa kanilang barangay.

Ayon pa kay Recto, mayroon na silang mga iniimbestigahang persons of interest na posibleng may kaugnayan sa naturang insidente.

Read more...