TNT wagi kontra Phoenix sa PBA Commissioner’s Cup

Tinalo ng TNT KaTropa ang Phoenix Fuel Masters sa kanilang naganap na tapatan para sa 2018 PBA Commissioner’s Cup Sabado ng gabi.

Natapos ang laro sa iskor na 106-98 pabor sa KaTropa.

Dahil dito, 2-0 na ang win-loss record ng TNT, habang 1-1 naman ang sa Phoenix.

Pinangunahan ni Terrence Romeo ang KaTropa matapos nitong magtala ng 21 puntos. Sinundan ito ni Jayson Castro na may 18 points at Jeremy Tyler na may 17 points.

Samantala, para sa Fiel Masters, si James White ang nanguna sa pamamagitan ng kanyang 32 points at 11 rebounds.

Read more...