Pangulong Duterte sa denuclearization ng Korean Peninsula: ‘Naging idol ko si Kim’

Nagpahayag ng suporta si Pangulong Rodrigo Duterte kay North Korean leader Kim Jong Un.

Ito ay matapos nang tapusin ang higit anim na dekadang sigalot ng North Korea at South Korea makaraang makipagkita si Kim kay South Korean President Moon Jae In.

Sa press briefing sa Davao City, sinabi ng pangulo na biglaan niyang naging idolo ang lider.

Anya, sa mahabang panahon ay tila hindi naging maganda ang imahe ni Kim sa international community ngunit isa pala itong palakaibigan at masayahing lider.

Sinabi pa ng pangulo na kung bibigyan ng pagkakataon na makaharap niya ang lider ay ipapaabot niya ang kanyang pagbati.

Magaling anya sa ‘timing’ si Kim sa tila naging pagpapakabayani nito.

Read more...