Pangulong Duterte nakabalik na ng bansa mula Singapore

Nakabalik na ng bansa si Pangulong Rodrigo Duterte pasado ala-1 ng madaling araw ng Linggo matapos ang kanyang pagdalo sa 32nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Singapore.

Tinunghayan ng pangulo ang paglagda sa anim na Memorandum of Undertsanding (MOU) at apat na Letters of Intent (LOIs) kasama ang Singaporean businessmen.

Ang mga kasunduan ay inaasahang magbibigay ng 1,920 bagong trabaho para sa mga Filipino.

Sinabi ng pangulo na aabot sa 185.7 milyong dolyar na halaga ng investments ang kanyang naiuwi mula sa pagbisita sa Singapore.

Ipinagmalaki ng presidente sa mga negosyante ang mas pinadaling proseso ng pamumuhunan sa bansa.

Read more...