Hiniling ng isang environmental group sa mga kakandidato para sa barangay at Sangguniang Kabataan election na huwag nang gumamit ng tarpaulin.
Sa isang pahayag, nagpaalala ang EcoWaste Coalition na mayroong mga nakalalasong kemikal ang tarpaulin na maaaring makasira sa kalikasan at makasama sa kalusugan ng mga tao.
Ayon kay Chemical Safety Campaigner Thony Dizon, nangangamba ang kanilang grupo na makakadagdag lamang sa toxicity sa mundo ang paggamit ng tarpaulin na mayroong kemikal na cadmium.
Ayon sa grupo, imbes na tarpaulin aymas makabubuting mag-house-to-house na lamang ang mga kandidato sa kanilang pangangampanya.
Para kay Dizon, mas maaalala ng mga botante ang mga kandidato na mayroong effort para bisitahin sila sa kani-kanilang mga tahanan at personal na makakausap tungkol sa kanilang pangangailangan sa barangay.