Sa talumpati ng pangulo sa Singapore ay sinabi nito na sa ilalim ng Immigration Operation Order No. SBM-2015-025 na pinirmahan ni de Lima noong siya ay DOJ secretary, pinagbabawalan ang mga dayuhan na dumalo, sumuporta, at makiisa sa anumang uri ng rally o assembly na pabor o laban sa pamahalaan.
Aniya pa, hindi niya ni-revoke ang nasabing kautusan dahil alam niyang magagamit din ito sa hinaharap.
Kasunod nito ay hindi napigilan ng pangulo na patutsadahan si Sister Fox.
Aniya, wala itong karapatan na pulaan ang kanyang pamamahala dahil hindi naman ito Pilipino at kung tutuusin ay isa lamang itong turista sa bansa.