Aniya, sa kanyang pamamalagi sa bansa ay wala siyang pinagsisihang ginawa.
Sa sidelines ng solidarity mass na inilaan para sa kanya sa Parish of the Holy Sacrifice sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Quezon City ay sinabi ni Sister Fox na na-enjoy niya ang pamamalagi niya sa Pilipinas na ngayon ay itinuturing niyang tahanan.
Paliwanag ni Sister Fox, sumama siya sa fact-finding mission sa Mindanao noong Abril para makausap at makinig sa mga residente doon.
Aniya pa, bilang isang abugado sa Australia ay natural na para sa kanya ang tumulong sa mga nangangailangan.
Matatandaang binigyan si Sister Fox ng Bureau of Immigration (BI) ng 30 araw para umalis ng bansa. Ito ay matapos umano nitong labagin ang terms and condition ng kanyang missionary visa.