Binatikos ng Migrante International ang pamahalaan kaugnay sa ginawang pag-rescue ng ilang embassy officials sa ilang mga distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) sa bansang Kuwait.
Dahil sa nasabing pangyayari ay mas lalo umanong nalagay sa panganib ang buhay ng mga manggagawa sa nasabing bansa.
Sinabi ni Migrante International Spokesman Arman Hernando na dapat humingi ng paumanhin si Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano hindi lamang sa Kuwaiti government kundi lalo na sa mga OFWs doon.
Dagdag pa ni Hernando, mas lalo umanong pag-iinitan ang mga Pinoy sa Kuwait ganun rin sa ilan pang bansa sa Middleast.
Nauna dito ay humingi na ng paumanhin si Cayetano sa pamahalaan ng Kuwait.
Dahil sa nasabing pangyayari ay kaagad na idineklara bilang persona non grata sa nasabing bansa si Philippine Ambassador Renato Villa na sinundan pa ng pag-aresto ng ilang opisyal ng embahada sa Kuwait.
Bukas ay nakatakdang magbigay ng kanyang advisory si Pangulong Rodrigo Duterte hingil sa kasalukuyang estado ng diplomatic relations sa pagitan ng Kuwait at Pilipinas.