Iyan ang naging pahayag ni Partido Manggagawa Chairman Rene Magtubo dahil sa umano’y kabiguan ng pangulo na tuldukan ang kanyang pangako na wawakasan na ang contractualization sa hanay ng mga manggagawa.
Sinabi pa ni Magtubo na hindi biro ang 10-point dive sa trust ratings ng pangulo base sa pinakahuling Social Weather Station (SWS) survey.
Indikasyon na umano ito na marami na ang nagagalit dahil sa kabiguan ng pangulo na tapusin ang ENDO.
Samantala, nagbanta rin ang grupo na maglulunsad sila ng mga kilos-protesta hanggang sa pagsapit ng Labor Day sa Mayo 1 para ipakita ang kanilang disgusto sa desisyon ng pangulo na pabor lamang umano sa mga negosyante.
Magugunita na noong nakalipas na linggo ay sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III na ipauubaya na lamang ng pangulo sa Kongreso ang pag-amyenda sa ilang mga batas para tuluyang mawala ang ENDO sa bansa.