Brgy. Chairman sa Roxas City patay sa pananambang

Pulitika ang itinuturong motibo sa pamamaslang sa Chairman ng Barangay Lawaan sa Roxas City Capiz, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Elvis Asis na pinagbabaril habang naka-angkas sa isang motorsiklo malapit lamang sa kanyang bahay.

Ayon sa ulat, papunta si Asis sa Sitio Patag para dumalo sa isang pagdiriwang kasabay ng bisperas ng kapistahan doon nang pagbabarilin ng mga salarin na sakay din ng isang motorsiklo.

Sugatan din ang hindi kinilalang nagmamaneho ng motorsiklo na siyang humingi ng tulong para maitakbo sa ospital ang nasabing Barangay official.

Sa ospital na binawian ng buhay ang biktima na nagtamo ng tatlong tama ng bala sa ulo at sa katawan.

Nakuha sa crime scene ang tatlong basyo ng .45 Caliber pistol.

Nabatid na muling kakandidato si Asis sa darating na Barangay elections.

Read more...