Isinusulong ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magkaroon ng fixed salary ang mga taxi drivers.
Sinabi ito ni LTRFB board member, Atty. Aileen Lizada para matulungan aniya ang mga driver at maging ang mga pasahero.
Ipinaliwanag ni Lizada na kung may buwanang sahod ang mga taxi driver sa halip na boundary system ay maaaring maging maayos ang kanilang pagpapaneho at maiiwasan din ang mahabang oras sa pamamasada na nagreresulta sa hindi magandang pakikitungo ng mga ito sa kanilang pasahero.
Ayon kay Lizada may epekto din sa “driving skills” ang sobrang oras sa kalsada ng mga drivers kaya marami sa kanila ang mainit ang ulo na ibinubunton sa mga pasahero.
Sa ilalim ng Department Order no. 2017-011 ng Department of Transportation (DOTr) ang mga PUV drivers ay kailangan na magkaroon ng fixed salary at benepisyo.