Sa bihirang pagkakataon ay pinuri ni U.S President Donald Trump ang China sa naging bahagi nito sa makasaysayang paghaharap ng mga pinuno ng South at North Korea.
Kasabay nito ay tinawag rin ni Trump na isang historic moment ang naging pulong nina North Korean President Kim Jong Un at South Korean President Moon Jae In.
Binanggit rin ni Trump na hindi matutuloy ang nasabing paghaharap ng dalawang lider kundi sa pamamagitan ni Chinese President Xi Jinping.
Sa nasabing pag-uusap ay nagkasundo ang mga lider ng South at North Korea na huwag nang ituloy ang nuclear development sa Korean Peninsula.
Pinag-aaralan na rin ang posibilidad na makasama sa mga susunod na pag-uusap ang dalawang Korean leaders sina Trump at Xi.
MOST READ
LATEST STORIES