200 iligal na istraktura gigibain sa Boracay island

Inquirer file photo

Simula ngayong araw ay magsisilbi na ang pamahalaan ng demolition order sa ilang mga establishemento na lumalabag sa easement sa dalampasigan ng Boracay island.

Nauna nang sinabi ng Department of Public Works and Highways na maraming mga restaurants ang nagdugtong ng kanilang mga pwesto ng walang pahintulot mula sa lokal na pamahalaan.

Sa paunang bilang sinabi ng Boracay Affairs Office na umaabot sa 200 mga establishemento ang kabilang sa kanilang inisyal na listahan.

Mayroon na rin umanong mga may-ari ng negosyo ang nagpatupad na ng self-demolition para hindi masira ang ilan sa kanilang mga ari-arian.

Makakatuwang ng DPWH ang mga local officials at Philippine National Police sa pagbabantay ng kaayusan ng gagawing demolisyon.

Kabilang rin sa mga aalisin ang ilang mga establishemento na pasok sa road-widening project ng pamahalaan sa nasabing isla.

Read more...