Duterte may special announcement kaugnay sa problema sa Kuwait

Inquirer file photo

Isang mahalagang anunsyo ang ihahayag bukas, araw ng Linggo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na pwede namang gawin ng pangulo ang pahayag sa Singapore habang dumadalo sa 32nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Pero mas nais umano ng pangulo na ihayag ang importanteng anunsyo sa loob ng bansa.May kaugnayan ang nasabing pahayag sa gagawin ng pamahalaan na mga hakbangin sa gitna ng kontrobersiya sa pagitan ng relasyon ng Pilipinas at Kuwait.

Nilinaw ni Roque na mismong ang pangulo ang nag-isip ng nasabing plano.

Nauna nang idineklara ng Kuwaiti government bilang persona non grata si Philippine Ambassador Renato Villa kasunod ng pagpapa-aresto sa ilang embassy officials sa nasabing bansa.

Sa kasalukuyan ay “frozen” rin muna ang diplomatic relation sa pagitan ng dalawang bansa.

Nauna nang sinabi ng Kuwaiti government na hindi nila nagustuhan ang ginawang pagtakas ng ilang mga Philippine Embassy officials sa ilang mga OFWs sa nasabing bansa na ini-upload pa online ang ilang mga videos.

Sa kasalukuyan ay hindi rin makalabas sa gusali ng Philippine Embassy sa Kuwait ang ilan pang opisyal dahil sa pangamba na sila ay arestuhin ng mga otoridad doon.

Read more...