Ang naturang grupo ang nasa likod ng mga sikat na kantang “Mamma Mia”, “Dancing Queen”, “Super Trouper” at “Waterloo”.
Ayon sa grupo, naramdaman nilang magiging masaya kung muli silang magsasama-sama matapos ang napakatagal na panahon.
Dalawang bagong kanta ang kanilang ini-rekord kung saan ang isa sa mga ito ay may pamagat na “I Still Have Faith In You”.
Mahigit na 400 million albums ang naitalang naibenta ng Abba at huling nagkasama-sama sa isang entablado mula pa taong 1986.
Ayon sa grupo, nanatili ang kanilang ‘wonderful chemistry’ at tila parang hindi sila nalipasan ng panahon.
Binubuo ang grupo nina Agnetha Faltskog, Bjorn Ulvaeus, Anni-Frid Lyngstad at Benny Anderson.