Pangulong Duterte nasorpresa sa pagpapalayas ng Kuwait sa Ambassador ng Pilipinas

Ikinagulat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang utos ng Kuwait na pauuwin ang ambassador ng Pilipinas lalo at katatapos lamang noon ng pulong ng pangulo kay Kuwaiti Ambassador Musaed Saleh Ahmad Althwaikh sa Davao City.

Ayon kay Bello sa nasabing pulong inungkat pa nga ni Althwaikh ang paglagda sa memorandum of understanding sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.

Hanggang sa bago umalis ng Pilipinas si Althwaikh sinabi ni Bello na patuloy nitong binabanggit ang MOU at tinatanong kung kailan magaganap ang lagdaan.

Nagulat na lang aniya ang pangulo nang malaman na idineklara nang persona non grata ng Kuwait si Ambassador Renato Villa na sinundan pa ng pag-recall kay Althwaikh.

Una nang sinabi ng DFA na hinihingi na nila ang paliwanag ng Kuwait kung bakit pinatawan ng expulsion si Villa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...